Miyerkules, Marso 19, 2008

1, 2, 3 THE CONGO....

Congo
LOUSY, naging titolo
Sa pagbigkas ng CONGO
Sa pagiging panalo
Bintang ay di totoo


Hay nilagnat ako kahapon kaya d ko napost agad.


nice loyalty astig sobra congrats
nice mine and serp sa pag choreo
sa kabila ng patukso satin na lousy daw tau
siguro naging daan na rin siguro samin
na manalo kami.
para patunayan sa kanila
kaya un pahiya sila
loyalty ang nagwagi hehe

Miyerkules, Marso 12, 2008

sa iyong ngiti!!!!!.....

habang nag rereview ako sa english sa unit IV may nakita akong passage sa taas ng page 278 ata yun...
nxt tym na nga lang sana ako mag cocomputer eh tapos akala ko na ito ung magiging post ko na walang tanaga...
pero na challenge ako kaya yun nagawan ko ng tanaga ito na ung passage!!!!!


from
Rabindranath Tagore

You who smile so gently,
Softly whisper,
My heart will hear it,
Not my ears


ito naman ang ginawa kong tanaga
nagkaroon ako ng idea dahil sa
passage na to


Love note
by:Joseph Edsel Bonilla


Ngiting mula sa iyo
Animo'y isang dayo
May sariling dayalekto
Na alam ng puso ko


(tama ba spelling ko sa dayalekto?)
Gets nyo ba ang tanaga ko
ganito ung!!!! pag may pagtingin ka diba sa isang tao
tapos ngumiti sya sayo. diba parang sobrang saya mo
yun sige good luck sa exams

Linggo, Marso 9, 2008

tanaga nga naman oo^_^

sa sobrang kaka isip sa kanya
may nadagdag nanaman^_^
ang hirap mag isip ng title
sa mga mababait dyan paki
gawan naman heheh^_^


Ngiti mong nagniningning
Ako ay na papraning
iisa lang ang hilng
Na sana'y maging akin


Puso kong sayo'y bigo
Di alam sanpatungo
Puso kung nagdurugo
Sa iyo'y nanlulumo


Pag-ika'y nakatingin
Di alam ang gagawin
Oras ay patigilin
Ng alam ang gagawin



ayan paki lagyan nalang ng title
malapit ko nang ipost lahat ng tanaga ko
tinatamad lang kasi ako eh
hehehe

Huwebes, Marso 6, 2008

salahat ng may galit sa mga nagagalit, naiinis at naaasar sakin please forgive me!!!!

please
read this para sainyo to peace offering ko^_^
as usual tana paring heheh


Aking pinagsisisihan!
By:Joseph Edsel Bonilla



Kay rami ng nasaktan
Sa aking kasiyahan
Nais kong pagsisihan
Maramot kong isipan


Sorry na!
By: Joseph Edsel Bonilla


Di naiwasang galit
Wag mong itagong pilit
Sabihin mo ng saglit
Sanhi ng iyong galit


sorry sa mga nasaktan ko sa
pagiging mayabang ko
sa pang aasar ko
at higit sa lahat
sa pagiging selfish ko
san sabihin nyo sakin kung nagagali kayo
sakin
para maremedyohan ko ung
ayaw nyo tnx ulit

Martes, Marso 4, 2008

My Untitle Tanaga!!!!!

Mga collection kung wala
pang title bigyan nyo ng title
ung mmatino huh
lagay nyo sa cbox ko
medyo marami to inspired kc eh
thx^_^


Awit ng kalungkutan
Nais kong lapatan
Ika'y naging sukatan
Sa king katapatan


kailang ko kaya matutugtog
ang clementine ng masaya^_^


Sa aking pagsusulat
Nais kung isiwalat
Ang buhay kung makalat
Di masukat ang alat


wala lang pumasok lang yan sa isip ko


Oras na ika'y wala
ako'y natutulala
Pusong nais magwala
Pinatahan ng tula


huhuhu ito ang gusto ko
^_^bigyan nyo ng magandang title to huh?


Pangulo na kay galing
Utak ay nasa taling
Animo'y isang kuting
Na ang ulam ay pating


corupted


Sa araw ng basaan
Kami'y naging basahan
Nilinis ng marahan
Klase'y laging asahan


sana di me lagnatin huhuhu


Mula saking upuan
Siya'y pinagmamasdan
Kahit nasalikuran
Tukso'y di maiwasan


grabe talaga pag expired(inspired) ka
sa isang tao^_^


Sa babae kung mahal
Ang lunkot ay madalang
Ako nama'y kay bagal
Sa pag-alok ng kasal


NOTE: ung kasal ibigsabihin panliligaw
di kasi magrarym pag sa pag-alok ng ligaw
ang pangit^_^

Linggo, Marso 2, 2008

Happy birthday po!!!

Anacleto D. Bonilla jr.
March 3, 1959 - Sept. 28, 2005
May very good father


hayz bukas birthday na ng papa ko sayang wala na sya sana masaya na sya!!!! gumawa pala ako ng tanaga para sa kanya un lang siguro ung mabibigay kung gift...


Oh! Ama ko
by: joseph edsel bonilla




Unang Lunes ng Marso
May tanda saking puso
Taong wala ng pulso
Sinilang noong Marso




di kagandahan pero itoy aking pinag-isipan.
sakabila ng kalungkutan may natutunan ako kay papa.




Weather weather lang yan
by:Joseph Edsel Bonilla




Kamatayang di tiyak
Wag ka munang umiyak
Di pa huli mag-gayak
Minuto'y gawing tiyak




tsaka napatunayan ko rin na




Sa Totoong Tagumpay
by: Joseph Edsel Bonilla




Larawang walang buhay
Tila wala pang kulay
Sa kalungkutang taglay
May lihim na tagumpay




diba sa ating mga kamalian o kabiguan natatama natin ang ating kamalian
^_^

HAPPY BIRTHDAY PAPA!!!

Sabado, Marso 1, 2008

nakakabaliw na tanaga ^_^

Ang Dilim
By: Joseph


Ang gabi na kay dilim
Nababalot ng lagim
Nangibabaw ang itim
Sa damit kung magutim


hayz la me magawa kagabi eh
d pa me makatulog
kaya un
may pumasok nanaman sa utak ko
parang nagiging makata na me hehehe^_^
astig nga eh ang dami kong nagawa
saka ko na ipopost hehe
kinakarir ko na to heheh