Biyernes, Abril 25, 2008

TANAGA

Tanaga na kay aliw
Nagbigay saking giliw
Tila ako ay baliw
Sa ganda nitong saliw

KUPIT

Ang tadhanang kay lupit
Sobra kung manghagupit
Ang puso kung naipit
Sa malupit na sipit

ANG DILIM

Ang gabing kay dilim
Nababalot ng lagim
Nangingibabaw ang itim
Sa damit kong magutim

ANG LIWANAG

Umagang kay liwanag
Tila di na matinag
Sapagbibigay luwag
Sa mga taong duwag

INGAY

Sasakyan na kay ingay
Nadaig pa ang bangkay
Sa tibay ng tulay
Tila ito’y bibigay

TUNAY NA KAIBIGAN

Salitang kaibigan
Tila isang sandigan
Sa payung pinakinggan
Problema’y gumagaan

BATO O BUTO?

Ang matigas na bato
lang somabi sa buto
Malupit kong katoto
Dina matutotuo

DUNGIS

Ang papel kong kaylinis
Punung-puno ng inis
Ang babae sa batis
Ay di ko na matiis

KASAL

Sa babae kong mahal
Ang lungkot ay matumal
Ako nama’y kaybagal
Sapag alok ng kasal

PEKLAY

Masakit ang masaktan
Kay sakit masugatan
Kapag ika’y nilisan
Wala ng mauwian

LUK A LYK

Sa salaming malinaw
Kay daming mga mamaw
Kaharap ko’y kay linaw
Jericho
ang natanaw

ALAY

Kung tawagin ay bahay
Ikaw ang aking buhay
Pusong puno ng kulay
Sayo ko iaalay

ALAY 2

Tanggapin mo ang gulay
Tangi kung maalay
May kasama pang palay
Sana’y wag ng matamlay

ANG NAKASULAT(MAHAL KITA)

Ang itlog na maalat
Tangalan mo ng balat
Baka ika’y magulat
Sa mga nakasulat

ARAW(SUN)

Ang ilaw ng tahanan
Palaging sa hagdanan
Para sa kaligtasan
Ng bunsong naatasan

Ang tamang daan

Ang tunay na libangan
Ay di natatagpuan
Sa madugong sabungan
Lalo na sa pustahan

OH! AMA KO(2008)

Unang lunes ng marso
May tanda sa king puso
Taong wala ng pulso
Isinilang noong marso

AKING TAGAPAGLIGTAS

Amang puno ng awa
Lhat ay ginagawa
Upang sya’y maunawa
Ng mga taong sawa

AKING TAGAPAGLIGTAS II

Amang tagapagligtas
Lahat ay nilulutas
Ng tayo ay maligtas
Sa isipang di patas

PUTIKAN

Ang baying naturingan
At ngau’y natuluyan
Sa kamay ng kawalan
Patungo sa putikan

SATOTOONG TAGUMPAY

Larawang walang buhay
Tila wala pang kulay
Sa kalungkutang taglay
May lihim na tagumpay

ANG MAHIWAGANG HIGAAN(tanaga ung kinaaaliwan q)

Sa sariling higaan
Ito ay nagiliwan
Medyo may katagalan
Pero may kasiyahan


LIKAS

Kalikasa’y asahan
Sa pagsira’y iwasan
Ng ika’y matulungan
Sa yong pangangaylangan

O% WATER

Sa ngalan ng pag-ibig
Na walang halong tubig
Ikaw ang aking ibig
Sana’y wag mong matabig

CHENELAS?

Sapatos na magastos
Bulot sapaa’y paltos
Ng di ka mapagastos
Wag ka nang magsapatos

PALOS

Oras na di matapos
Tila araw ay kapos
Sa daming iniutos
Himalang matatapos

WEATHER WEATHER LANG YAN

Kamatayang di tiyak
Wag ka munag umiyak
Di pa huli mag gayak
Minuto’y gawing tiyak

BARBERS CUT

Ang barbering may kuting
Mala-angel ang dating
Animo’y isang pating
Pag may hawak na gunting

KATAKAWAN

Mga katiwalian
Sating pamahalaan
Tao’y nagsiaklasan
Kahit di pa kailangan

HI TECH

Iba ang kabataan
Ngaung kasalukuyan
Maraming nalalaman
Kahit di pa kailangan

ARABESQUE

Edukasyong kay gulo
Hakbang nadi mabuo
Sa sayaw na magulo
Dapat at walang buto

MUSIKA

Awit ng kalungkutan
Nais ko ng lapatan
Ika’y nagging sukatan
Sa anging katapatan

ANG NILALAMAN

Sa aking pasusulat
Nais kung isiwalat
Ang buhay kung makalat
Di masukat ang alat

HANAP KO’Y IKAW

Orask na ikay wala
Ako’y natutulala
Pusong nais magwala
Pinatahan ng tula

PANG(G)ULO

Pangulong kay galling
Utak ay nasataling
Animo’y isang kuting
Na ang ulam ay pating

TITIG

Mula saking upuan
Siya’y pinagmamasdan
Kahit nasalikuran
Tukso’y di maiwasan

SORRY NA!

Di maiwasang galit
Wag mong itagong pilit
Sabihin mo ng saglit
Sanhi ng iyong galit

MILK FISH

Kay rami ng nasaktan
Sa aking kasiyahan
Nais kung pagsisihan
Maramo kong isipan

LANGUAGE OF LOVE

Ngiting mula sa iyo
Animo’y isang dayo
May sariling dayalekto
Na alam ng puso ko

Walang komento: